Nagdaos si Pope Francis ng Makasaysayang Misa para sa 180,000 Katoliko sa United Arab Emirates

Abu Dhabi, United Arab Emirates-Martes 5 Pebrero 2019 [ AETOS Wire ]

Ang Kaniyang Kabanalan na si Pope Francis, ang Pinuno ng Simbahang Katoliko at Pinakamataas na Pinuno ng Lungsod ng Vatican, ay nagdaos ng makasaysayang Papal Mass para sa 180,000 Katoliko sa United Arab Emirates na naisa-telebisyon sa buong mundo.

Ang laki ng pagtitipon, na idinaos sa Zayed Sports Stadium sa Abu Dhabi, ay hindi pangkaraniwan para sa ganitong uri ng pagtitipon sa Arabian Peninsula at nakita ang paglahok ng libu-libong tao na nagmula pa sa bawat sulok ng UAE at sa ibang bansa.

Nakita sa pagtitipon ang 1500 paramedics, pulisya at kawani ng seguridad na naka-duty para tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga Katoliko na dumadalo sa Misa. 

Mayroong 100 Emiratis na naka-duty para mamahala sa seguridad ng gate para sa mga libu-libong tao na nagkumpulan sa pagtitipon – ang karamihan sa kanila ay naglakbay sakay ng 2000 bus na inorganisa ng Pamahalaan ng UAE kaugnay ng Apostolic Vicariate ng Southern Arabia (AVOSA), ang teritoryal na hurisdiksyon ng Simbahang Katoliko na sumasaklaw sa UAE, Oman at Yemen.

Nakuha nito ang pansin ng pandaigdigang media sa pamamagitan ng 250 internasyonal na mga mamamahayag sa hanay ng 600 na media na nag-ulat ng Papal Mass at live na nagpalabas ng pagtitipon sa buong mundo.

Dumating ang Kaniyang Kabanalan na sakay ng kaniyang Popemobile para batiin ang nasasabik na mga tao sa loob at labas ng Zayed Stadium kung saan siya nagsagawa ng 90-minutong Misa.

Kabilang sa mga bisita ang UAE Minister of Tolerance H.E. Sheikh Nahyan bin Mubarak Al Nahyan

at H.E. Noura Al Kaabi, Minister for Culture and Knowledge Development bukod sa iba pang

matataas na opisyal ng Pamahalaan.

Sa kaniyang homily sa isang espesyal na ipinatayong entablado sa loob ng stadium, pinasalamatan ni Pope Francis ang pamunuan ng UAE at ang mga taong sa pagsasabing "Gusto kong pasalamatan ang mga anak ni Zayed sa lupain ng Zayed," na nakatanggap ng malugod na pagbati mula sa magkakaibang multinasyunal na manonood.

Nagpapakita ng kung ano ang isa sa pinaka-magkakaibang pagtitipon ng mga nasyonalidad para sa isang Papal Mass sa labas ng Roma – ang mga bahagi ng 90-minuto na misa ay isinagawa sa mga wikang Italyano, Ingles, Arabic, Tagalog, Hindi at Koreano.

Ang Misa ay dinaluhan ng halos 20 porsiyento ng tinatayang isang milyong Katoliko na naninirahan at nagtatrabaho sa UAE.

Ilang araw lamang mula nang matapos ang final ng Asian Cup, ang mga organizer ay nagtrabaho araw at gabi para mabago ang anyo ng stadium at kapaligiran sa pinakamalaking panlabas na pagdarausan ng Kristiyanong pagsamba na nakita sa Arabian Peninsula.


Contacts

APCO Worldwide

Aurelien Raspiengeas, +971528127814

araspiengeas@apcoworldwide.com 

 





Permalink : https://www.aetoswire.com/tl/news/nagdaos-si-pope-francis-ng-makasaysayang-misa-para-sa-180000-katoliko-sa-united-arab-emirates/tl


Multimedia

Photos

Pope Francis Delivers Historic Mass for 180,000 Catholics in The United Arab Emirates (Photo: AETOSWire)

Pope Francis Delivers Historic Mass for 180,000 Catholics in The United Arab Emirates (Photo: AETOSWire)

Pope Francis Delivers Historic Mass for 180,000 Catholics in The United Arab Emirates (Photo: AETOSWire)

Pope Francis Delivers Historic Mass for 180,000 Catholics in The United Arab Emirates (Photo: AETOSWire)

Permalink : https://www.aetoswire.com/tl/news/nagdaos-si-pope-francis-ng-makasaysayang-misa-para-sa-180000-katoliko-sa-united-arab-emirates/tl